Content

Location: Cainta, Rizal, Philippines

Mark + Kinah | Kasalan

Sabi nila ang pag-ibig daw ay isang paglalakbay. At sa paglalakbay, may mga hamon na kailangang higitan. Halimbawa, si Mark, anlayo ng bahay niyan kila Kinah, tapos sobrang trapik pa sa EDSA. Ilang oras ang paglalakbay masulyapan lamang siya. Si Kinah naman, pang-gabi ang trabaho. Kahit puyat okay lang. Handang ipagpalit ang tulog sa kislap ng kanyang mga mata. Nakaka-kilig diba? Sa katunayan, ilan lang yan sa mga hamon na pwedeng dumating. Kung umiibig ka at may ka-relasyon, marahil iba din ang mga hamon na napapaharap sa inyo. Ngunit tandaan, sa paglalakbay maraming iba’t ibang daan. Ang mahalaga, yung daan na dadalhin ka sa gusto mong puntahan. At higit sa lahat, basta kasama ninyo si Jehova, sigurado ang paglalakbay ay inyong mapagtatagumpayan! (Kaw 3:6)


M R K  x  K N H
k a s a l a n

Litrato at Bidyo: Ang Paperwall Studio
Kosmetiko at Pag-ayos ng Buhok: Abby Ortaleza
Dako ng Seremonya: Bulwagang Pangkaharian sa Cainta
Dako ng Pagtanggap: Tahanan ni Kapitan Moy

~
Powered by Blogger.